‘Spider-Man: No Way Home’ nalampasan na ang $1 bilyon na kita sa buong mundo
Umabot na sa isang bilyong dolyar ang kinita ng bagong “Spider-Man” movie.
Ayon sa industry watcher na Exhibitor Relations, ito ang unang pelikulang kumita ng bilyon sa takilya sa pandemic era, habang napanatii rin nito ang North American box office top spot.
Ang “Spider-Man: No Way Home,” na ikatlong solo starrer ng British actor na si Tom Holland, ay kumita ng $467.3 million sa North America at $587 million sa buong mundo, kayat umabot sa higit isang bilyong dolyar ang kinita sa higit 12 araw ng pagpapalabas nito.
Ayon naman sa industry outlet na Variety, ang “Star Wars: The Force Awakens,” noong 2015 ang tanging pelikulang nakaabot sa $1 billion benchmark.
Ang huling installment ng Sony sa comic-inspired series ay kumita ng tinatayang $81.5 million sa North America para sa tatlong araw, kayat hawak pa rin nito ang top spot matapos maging “third-biggest domestic opening of all time” makaraang kumita ng higit $260 million, na sumira sa mga naunang estimate na kikitain nito.
Bahagya lamang itong nahuli sa kinita ng “Avengers: Endgame” noong 2019 na $357 million, at “Avengers: Infinity War” noong 2018 na $258 million ayon sa BoxOfficeMojo website.
Samantala sa estimated $23.8 million, ang “Sing 2,” ang Universal star-studded animated jukebox musical follow-up sa “Sing,” ang weekend runner-up.
Tinalo nito ang dalawang iba pang bagong series installments: ang “The Matrix Resurrections” mula sa Warner Bros na pinagbibidahan ng nagbabalik na si Keanu Reeves bilang Neo, na kumita lamang ng $12 million.
Nasa ika-apat na puwesto naman, na mas mababa rin ang kinita kaysa inaasahan ang 20th Century spy prequel sa “Kingsman” films, ang “The King’s Man,” na kumita ng $6.4 million.
Ang “American Underdog” naman ng Lionsgate na base sa totoong istorya ni Kurt Warner, na mula sa pagiging trabahador sa grocery store ay naging to National Football League MVP, ay bumagsak sa number five sa opening weekend na kumita ng tinatayang $6.2 million.
Narito ang talaan ng mga pelikulang kumumpleto sa top 10:
- “West Side Story” ($2.8 million)
- “Licorice Pizza” ($2.3 million)
- “A Journal for Jordan” ($2.2 million)
- “Encanto” ($2 million)
- “83” ($1.8 million)