Spike Lee, gagawa ng HBO documentary sa anibersaryo ng 9/11
NEW YORK, United States (AFP) – Inanunsyo ng WarnerMedia na gagawa ng isang documentary sa HBO ang kilalang direktor na si Spike Lee, tungkol sa muling pagbangon ng New York mula sa nangyaring Sept. 11 terror attacks, hanggang sa coronavirus pandemic.
Ang multi-part documentary na ipalalabas sa mga huling bahagi ng 2021, ay bilang paggunita sa 20th anniversary ng Al-Qaeda attack sa World Trade Center, na ikinamatay ng halos 3,000 katao.
Sinabi ni Lee na siyang magdi-direct at magpo-produce sa proyekto . . . “With over 200 interviews, we dig deep into what makes NYC the greatest city on this God’s earth and also the diverse citizens who make it so.”
Ayon sa WarnerMedia . . . “The documentary would offer an unprecedented, sweeping portrait of New Yorkers as they rebuild and rebound, from a devastating terrorist attack through the ongoing global pandemic.”
Ipalalabas ito sa HBO at sa kaniyang streaming service na HBO Max.
Una nang gumawa si Lee ng isang documentary para sa HBO tungkol sa Hurricane Katrina na pinamagatang “When the Levees Broke,” na ipinalabas noong 2006.
Sinabi naman nina Lisa Heller at Nancy Abraham, co-heads ng documentary films ng HBO . . . “We treasure Spike’s singular capacity to chronicle and pay tribute to the human toll of these events while bearing profound witness to the strength and resiliency of the human spirit.”
© Agence France-Presse