Sputnik V ng Russia, nabigyan na ng EUA ng FDA
Binigyan na ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration ang Covid-19 vaccine ng Gamaleya Research Institute ng Russia.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ito ay matapos ang masusing pag-aaral na kanilang ginawa sa mga dokumento ng Gamaleya at maging mga resulta ng ginawa nitong trial sa bakuna.
Ayon kay Domingo ang Sputnik V ay may efficacy rate na 91.6% at pwedeng iturok sa mga nasa edad 18 pataas.
Dalawang doses rin ito na pwedeng iturok sa pagitan ng tatlong linggo.
Ayon kay Domingo, ang mga nakitang adverse events ng bakuna ay mga karaniwang vaccine reactions at mild lamang.
Ang Sputnik V ay may EUA na rin mula sa Russia, Argentina at Belarus pero maliban sa Sputnik V, una na ring nabigyan ng EUA ang Covid-19 vaccines ng Pfizer, Sinovac at Astrazeneca.
Madz Moratillo