SRP para sa mga isdang galunggong, ipalalabas ng Department of Agriculture sa susunod na linggo
Nakatakdang magpalabas ng Suggested Retail Price (SRP) ang Department of Agriculture (DA) para sa tamang presyo ng mga galunggong.
Ayon kay Agriculture secretary William Dar, dapat ay naglalaro lamang sa 120 hanggang 130 piso kada kilo ang presyo ng GG sa mga pamilihan pero sinasamantala ito ng mga negosyante.
Paliwanag ni Dar, nasa isang dolyar lamang ang bilihan ng GG sa ibang bansa pero pagdating sa bansa ay nagiging triple ang presyo nito.
“Pagsasamantala na ito, yung landed cost plus 50 percent, yun lang ang dapat. Dapat nasa 120 o 130 yan eh. We will issue a suggested retail price, nire-review namin. Baka early next week baka meron na tayo”.