SRP sa bigas, ilalabas na sa huling linggo ng Oktubre
Ipapalabas na ng Department of Agriculture (DA) sa huling linggo ng Oktubre ang suggested retail price (srp) para sa mga bigas.
Ayon kay Secretary Manny Piñol, wala silang nakikitang dahilan para tumaas pa ang presyo ng bigas dahil bumabagsak na ang presyo ng mga palay.
Apat na klase ng bigas aniya ang lalagyan nila ng SRP at ito ay ang mga regular-milled rice, well-milled, premium at special rice.
pero hindi aniya kasama sa lalagyan ng SRP ang mga organic rice.
Muli namang nagbabala si Piñol sa mga nang-iimbento ng mga uri at pangalan ng bigas na tigilan na ang panloloko dahil tatanggalan ang mga ito ng lisensya.
“Hindi na pupuwede yun dahil yan ay panlilinlang kung hindi totoong Sinandomeng ang bigas mo saka wala naman talagang Sinandomeng na bigas eh. Maramin ganyan na insidente pero yan ay ikokorek na natin”.