SSS members pinag-iingat laban sa fixers at online scammers
Pinapag-iingat ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga miyembro, at pinayuhang huwag makipag-transaksyon sa fixers na nag-aalok ng serbisyo ng SSS kapalit ng “transaction fee.”
Ayon sa SSS, mahigpit na ipinagbabawal ang fixing sa ilalim ng Social Security Act of 2018 at Ease of Doing Business and Efficient Government Security Delivery Act of 2018.
Wala anilang pananagutan ang SSS sa anumang transaksyon ng miyembro kasabwat ang fixer, at hindi sasagutin ng SSS ang loan applications/benefit claims na mapatunayang idinaan sa fixer.
Ang mga serbisyo ng SSS ay walang bayad at maaari lamang gawin sa mga opisina ng SSS, o gamit ang My.SSS o SSS Mobile App.
Pinaalalahanan din ng SSS ang kanilang mga miyembro, na huwag ibabahagi ang Social Security Number, My.SSS user ID at password, at personal na impormasyon sa ibang tao at sa mga nagsasabing taga-SSS sila.
Dapat ding suriing mabuti ang pagkakakilanlan ng taong nakipag-ugnayan sa inyo sa social media, telepono, text o email.
Huwag maniwala, buksan o ikalat ang mga email at “clickbait” posts tungkol sa pa-raffle o cash bonus para sa mga SSS Members.
Palaging i-check kung totoo ang online information na nabasa.
- Makipag-ugnayan lamang sa mga sumusunod na official online SSS channels:
– Facebook: SSSPh
– Twitter: PHLSSS
– YouTube: MySSSPH
– Viber: MySSSPH Updates
– Hotline: 1455
– Email:
General inquiries – [email protected]
Electronic facilities and web-related inquiries – onlineserviceassistance@sss.
PRN Concerns – [email protected]
OFW Contact Service Unit – [email protected]
uSSSap Tayo – [email protected]
– SSS Mobile App: Maaaring i-download sa Google Play Store, Apple App Store at Huawei
App Gallery
Maaari ring magtungo sa E-Center ng alinmang sangay ng SSS kung saan may Member Service Representative na handang tumulong sa mga miyembro sa paggamit ng online services.
Kung nakatanggap ka ng kahinahinalang email, text, o tawag, ireport agad ito sa alinmang sangay ng SSS o i-email ang SSS Special Investigation Department sa [email protected].