SSS, nag-aalok ng mas mabilis at mas maginhawang online pension loan application para sa first time borrowers

Photo: www.facebook.com/SSSPh

Inanunsiyo ni Social Security System (SSS) President at CEO Michael G. Regino, na ang retirement pensioners na first time borrowers sa ilalim ng SSS Pension Loan Program (PLP), ay maaaring mag-file ng kanilang online applications simula ngayong araw, May 30, 2022 sa My.SSS Portal.

Dati ay kailangang magtungo sa pinakamalapit na SSS branch ang first time pension loan borrowers, para i-file ang kanilang initial applications dahil ang online filing ay available lamang para sa renewal ng loan applications.

Paliwanag ni Regino . . . “We recognize the challenges faced by our retirement pensioners in going to SSS branch to avail of the Pension Loan Program (PLP). With the pandemic still around, pensioners prefer to have their transactions done online in their respective homes. This online facility makes it easier for them to avail of said program as it also guarantees a faster approval process.”

Hinikayat ni Regino ang retirement pensioners na samantalahin ang iniaalok ng SSS na low-interest loan. Tiniyak niya na hindi kakailanganing i-surrender sa SSS ang kanilang ATM cards bilang kolateral na gaya ng ginagawa ng ilang private loan institutions.

Ang PLP ay inilunsad upang tulungan ang mga retirement pensioners sa kanilang panandaliang pangangailangan sa pananalapi sa pamamagitan ng pag-aalok ng pautang sa mababang interes na 10% kada taon.

Ang mga kwalipikadong retirement pensioners ay maaaring mag-aplay para sa loan na katumbas ng 3, 6, 9, o 12 beses ng kanilang basic monthly pension kasama ang ₱1,000.00 karagdagang benepisyo, ngunit hindi lalampas sa maximum na halaga na ₱200,000.00.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pension loan program at sa terms and conditions nito, bisitahin ang link na ito: https://bit.ly/3sKV1HA.

Please follow and like us: