SSS naglunsad ng penalty condonation program para sa short-term member loans
Naglunsad ang Social Security System ng penalty condonation program para sa short term member loans.
Sinabi ni SSS president at CEO Aurora Ignacio, na ang Short-term Member Loan Penalty Condonation Program (STMLPCP), ay bahagi ng kanilang Pandemic Relief and Restructuring Programs (PRRP 5).
Naniniwala si Ignacio na malaking tulong ito sa kanilang mga miyembro na naapektuhan ng pandemic.
Saklaw ng programa ang Salary, Calamity, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency Loans, at Restructured Loan sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad noong 2016 hanggang 2019.
Kabilang sa mga qualified applicants ang mga miyembro na may past due payments sa nakalipas na anim na buwan; mga miyembro na hindi pa nabigyan ng final benefit tulad ng permanent total disability or retirement; mga miyembro na hindi pa na-disqualified dahil sa fraud; mga miyembro na maghahain ng aplikasyon para sa final benefits at benepisyaryo ng deceased member borrowers.
Sinimulan ang programa noong November 15 at tatagal hanggang February 14 ng susunod na taon.