Sta. Lucia community pantry pinangunahan ng isang guro sa Nagcarlan
Pinangunahan ng pamilya ni Ma’am Jenny Buenos na isang guro, ang pagtatatag ng community pantry sa kanilang lugar, na ang naging inspirasyon din ay ang community pantry na nagsimula sa Maginhawa sa Quezon City.
Ilan sa makikita ang ibat-ibang gulay, na donasyon din ng ilang personalidad at mayroon ding bigas, bawang, sibuyas, at tinapay.
Kaugnay nito ay nanawagan ang pamilya Buenos sa mga residenteng malapit sa Barangay Sta. Lucia sa Nagcarlan, Laguna na kung sinuman sa kanila ang may labis na mga gulay, bigas, canned goods, prutas o anumang maaaring maitulong, ay maaari nilang dalhin sa tahanan ni Ma’am Jenny.
Ito ay nasa Purok 5, Brgy. Sta. Lucia upang mailagay sa community pantry at makapagpatuloy ito.
Ulat ni Louis John Reñon