Sta. Rosa City Government, namahagi ng mga tablets sa mga Public schools
Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Santa Rosa City, Laguna ang pamamahagi ng tablets para sa pag-aaral ng mga estudyante sa mga Pampublikong eskwelahan.
Ayon sa Santa Rosa City Government, kabuuang 36,830 tablets ang ipamamahagi para sa new normal learning ngayong pandemya.
Ang 15,900 tablets ay para sa mga elementary students,
16,516 para naman sa junior high school students, at 4,414 tablets ay para sa mga nasa senior high school.
Inaasahang matatapos ang distribusyon ng mga learning gadgets bago magsimula ang second quarter.
Papalitan ng mga tablets ang mga printed modules na ginagamit sa mga elementary at secondary schools.
Sinabi Mayor Arlene Arcillas na mas cost-effective ang pagbili ng tablets kaysa printing ng mga modules na dagdag pahirap sa mga guro at mga magulang.
Inoobliga naman ang mga estudyante na pangalagaan ang gadgets dahil ito ay kanilang ibabalik pagkatapos ng school year.
Magpapalabas ang DepEd Sta Rosa ng panuntunan sa tamang paggamit at pangangalaga ng mga tablets.
Personal na inabot ng LGU ang mga learning devices sa DepEd Schools Division ng Santa Rosa City at sa mga opisyal ng Parent-Teacher Associations.
Moira Encina