‘Star Wars,’ ‘Batman’ at Bond items, for sale sa Propstore film auction
Mula sa tungkod ni Yoda hanggang sa duster coat ni Clint Eastwood sa pelikulang “The Good, the Bad and the Ugly,” daan-daang movie at television memorabilia ang ipagbibili sa susunod na buwan.
Mahigit sa 1,800 items ang ipagbibili ng entertainment memorabilia auctioneer na Propstore sa kanilang annual live auction, na ngayong taon ay tatakbo mula Nov. 14 – 17, at tinatayang kikita ng mahigit sa 10 million pounds ($13.1 million).
Kabilang sa mga ibibenta ay items na isinuot o ginamit ng ilan sa malalaking pangalan sa Hollywood, at maraming iba pa mula sa ilang biggest franchises ng cinema gaya ng James Bond at Harry Potter films.
Nangunguna sa mga ibibentang items ang isang Sandtrooper helmet mula sa “Move Along” scene sa “Star Wars: A New Hope,” na ang tinatayang presyo ay 250,000 pounds hanggang 500,000 pounds ($326,900 to$654,000).
Sinabi ng Propstore founder at Chief Executive na si Stephen Lane, “It’s an incredibly rare artefact.”
Ayon sa Propstore, ang tungkod ni Yoda na for sale ay ginamit kapwa sa “The Empire Strikes Back” at “Return of the Jedi.’
An employee poses with Mark Antony’s Battle of Actium Costume, worn by Richard Burton in ‘Cleopatra’, at Propstore in Chenies, Britain, September 30, 2024. REUTERS/Mina Kim/File Photo
Ilan pa sa iba’t ibang costumes na ipagbibili ay kinabibilangan ng Batsuit ni Michael Keaton mula sa “Batman Returns,” ang suit na isinuot ni Daniel Craig sa Bond film na “Skyfall,” at ang 2015 resizing jacket na isinuot ng karakter ni Michael J. Fox na si Marty McFly sa “Back to the Future Part II.’
Kasama rin dito ang duster coat ni Clint Eastwood mula sa pelikulang “The Good, the Bad and the Ugly.”
Sabi pa ni Lane, “The duster is a synonymous attire for most Western films. This is deemed to be one of the best Western films, perhaps of all times and Clint Eastwood costume pieces from those films virtually never, ever turn up.’“
Ang iba pang highlights ay ang Maximus arena helmet at maskarang ginamit ni Russell Crowe mula sa “Gladiator,” ang ghostface mask na isinuot ni Henry Winkler bilang ang prinsipal na si Arthur Himbry sa “Scream,” at isang bestida na ginamit ni Elizabeth Taylor sa “Cleopatra.”