Starmer magtutungo sa Washington sa una niyang foreign trip bilang UK PM
Magtutungo sa Washington sa linggong ito, si UK Prime Minister Keir Starmer para sa una niyang foreign trip, ilang araw makaraan niyang manungkulan kasunod ng isang landslide election victory.
Ang 61-anyos na si Starmer, ay dadalo sa 75th anniversary summit ng NATO sa US capital sa kaniyang debut foreign trip simula nang maging British leader noong Biyernes ng nakalipas na linggo.
Sinabi ng foreign policy expert na si James Strong, “It will be an opportunity for him to learn and get to know other leaders as much as to communicate any particular messages.”
Nakatakda ring maging host ang UK ng European leaders’ conference sa susunod na linggo.
Nangako si Starmer ng patuloy na suporta para sa Ukraine sa ilalim ng Labour, at inaasahang muli niya iyong pagtitibayin sa pamamagitan ng personal na pagsasabi nito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa NATO meeting.
Nauna nang bumisita sa Ukraine ang Defence Secretary ni Starmer na si John Healey, at ang Foreign Secretary naman na si David Lammy ay nagsasagawa rin ng pagbisita sa European NATO members.
Committed ang Labour sa alyansa at nais nitong mapantayan ang pangako ng Conservatives na dagdagan ang defence spending sa 2.5 percent ng GDP, mas mataas sa NATO target na two percent.
Dagdag pa ni Strong na isang lecturer sa Queen Mary University sa London, “We can expect lots of talk about ‘business as usual.”
Bukod sa bibigyang-diin ang continuity sa main foreign policy issues, nais din ni Starmer na pasimulan ang isang ‘reset’ sa relasyon ng UK sa mga ka-alyado nito na umasim dahil sa Brexit.
Nangako ang Labour ng mas malapit na kooperasyon sa kaniyang European neighbours, maging ang bilateral deals nito sa France at Germany, at maging sa mga kasunduan nito sa EU bloc sa kabuuan.
Ayon kay Strong, “We can expect to hear a lot of talk about improving relations, about being a more reliable partner, and above all about being more stable and predictable.”
Ang centre-left Labour party ni Starmer ay malapit na naka-allign sa Democratic Party ni Biden kaysa sa Conservatives, na maaaring makatulog, ngunit ang biyahe ay nataon sa isang sensitibong panahon para sa US president.
Hindi rin mawawala sa isip ni Starmer na maaaring harapin niya ang isolationist na si Trump simula sa Enero ng susunod na taon.
Sinabi ni Sophia Gaston, pinuno ng foreign policy sa right-wing Policy Exchange think-tank, “(He) will want to demonstrate his rock-solid commitment to the UK’s alliance with America, and to send a strong signal about the resilience of the ‘special relationship’, whatever lies ahead.’
Ang isang puntong maaaring mapag-usapan ni Starmer at Biden ay ang Israel-Hamas war sa Gaza, kung saan ang Labour ay nakikitang higit na pro-Palestinian kaysa sa Washington.
Malamang na pag-usapan din ng dalawang lider ang polisiya sa China, kabilang na ang trade, commerce at technology.
Samantala, magiging host din si Starmer ng European Political Community summit na gaganapin sa Blenheim Palace, malapit sa Oxford, sa central England, sa July 18, na inaasahang dadaluhan ni French president Emmanuel Macron at German leader Olaf Scholz.
Nais ng Labour ng isang “ma-ambisyosong” security pact sa European Union.
Sinabi naman ni Olivia O’Sullivan, direktor ng UK sa world programme sa Chatham House international affairs think-tank, “The two summits provide an opportunity to put more meat on the bones of this proposal.”