State of Calamity ideneklara sa isang bayan sa Zamboanga Sibugay
Nalubog sa baha ang sampu sa 19 na mga barangay sa bayan ng Imelda sa Zamboanga Sibugay, na naging dahilan upang magdeklara ng State of Calamity sa nabanggit na bayan.
Nasa 1,017 mga bahay ang naapektuhan ng pag-apaw ng tubig sa main river ng bayan.
Photo: Rolfjay Ferolino
Kabilang sa sampung mga barangay ay ang Poblacion, Balugo, Sta.Barbara, Lumbog, San Jose, Gandiangan, La Victoria, Lumpanac at Lower Baluran.
Umabot naman sa 4,004 ang kabuuang bilang ng mga pamilya na pansamantalang tumutuloy ngayon sa evacuation area ng bayan.
Photo: Rolfjay Ferolino
Pinangunahan naman ni Imelda Mayor Jerry Silva ang pamamahagi ng tulong, lalo na ang pagkain sa mga pamilya na nasa evacuation center.
Samantala, hindi pa matiyak ng pamahalaang bayan kung kailan matatapos ang problema ngayon sa kanilang lugar, dahil sa sama ng panahon na nararanasan hanggang sa ngayon sa Mindanao, lalo na sa Zamboanga Peninsula region.
Ely Dumaboc