State of Calamity, idineklara na sa Cavite Province dahil sa posibleng pananalasa ng Bagyong Rolly.
Nagdeklara na ng State of Calamity ang buong Cavite Province dahil sa posibleng pananalasa ng Bagyong Rolly sa lalawigan.
Dahil dito’y magagamit na ng Cavite province ang nakalaan nitong Quick Response fund na umaabot sa sampung milyong piso (10,000,000).
Ang naturang halaga ay ilalaan ng Cavite Provincial Government para ipambili ng relief goods na ipamamahagi sa mga Local Government Unit na maaapektuhan ng Bagyong Rolly.
Ulat ni Jet Hilario
Please follow and like us: