State of Calamity sa buong bansa dahil sa Covid-19, pinalawig pa ng hanggang Sept. 2022
Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa bansa ng isa pang taon.
Ito ay sa pamamagitan ng Proclamation No. 1218.
Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Inatasan ng Pangulo ang lahat ng national at local government units na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng vaccination rollout at iba pang mga programa at inisyatibo bilang bahagi ng whole-of-government approach laban sa COVID-19 Pandemic.
Unang isinailalim ng Pangulo ang Pilipinas sa anim na buwang State of Calamity noong Marso 2020 bago pinalawig ng hanggang Setyembre 2021.
Please follow and like us: