State of calamity sa hog industry dapat madaliin
Ipinamamadali ng oposisyon sa gobyerno ang pagdedeklara ng state of calamity sa hog industry para maresolba ang epekto ng african swine fever.
Ayon kay Senator Francis Pangilinan, March 9 pa natalakay ng Senado ang resolusyon para dito pero nakapagtatakang wala pang aksyon ang palasyo.
Iginiit ng Senador na kinakailangan ang deklarasyon ng state of calamity upang mapakilos ang gobyerno at local government units na mapondohan ang mga kinakailangang gawing proyekto para ibangon ang industrisya ng baboy.
Sinabi pa ni pangilinan ginawa na ito noong 1995 nang manalasa ang foot and mouth disease kung saan dalawamput pitong probinsya ang naapektuhan.
Nagdeklara rin aniya ng state of calamity at naglabas ng pondo nang manalasa ang cocolisap noong 2014 kaya mabilis na naresolba ang problema.
Giit ng Senador hindi importasyon agad ang solusyon para ibangon ang hog industry.
Meanne Corvera