State of Calamity sa swine industry, ipinade-deklara kay PBBM sa swine industry dahil sa ASF
Hiniling ni Senador Francis Tolentino na ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang state of calamity sa swine industry dahil sa matinding hagupit ng African Swine Fever (ASF).
Sinabi ni Senador Tolentino na isa sa pinaka-malaking livestock sub-sector ang local swine industry at pumapangalawa sa may pinakamalaking kontribusyon sa agrikultura ng Pilipinas.
Paliwanag ng mambabatas, kung magde-deklara ng state of calamity, magagamit ang pondo para tulungan ang mga nasa swine industry.
Sa ngayon, aabot na sa aniya P100 billion ang nalulugi sa mga magba-baboy dahil sa patuloy pamemeste ng ASF.
Katunayan, batay sa report ng Alyansa ng Sektor ng Agrikultura ng Pilipinas (AGAP), apektado na ang may 2,361 na mga barangay ang tinamaan na ng ASF.
Nangangamba ang senador na habang walang bakuna at kung hindi pa rin mabibigyan ng ayuda ang mga hog raisers baka lalo pang sumirit ang presyo ng karne at mga produktong gawa sa baboy
May nauna nang babala ang Philippine Chamber of Agriculture and Food na posibleng pumalo pa sa P420,000 ang kada kilo ng karneng baboy sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng suplay dulot ng ASF.
Meanne Corvera