State of Emergency pinalawig pa ng Myanmar sa anim na buwan

Myanmar's junta chief Senior General Min Aung Hlaing, who ousted the elected government in a coup on February 1, presides an army parade on Armed Forces Day in Naypyitaw, Myanmar, March 27, 2021. REUTERS/Stringer//File Photo

Pinalawig pa ng military junta ng Myanmar ang isang state of emergency ng anim na buwan.

Ito ay bago ang ika-apat na taong anibersaryo ng isang kudeta na nagdulot ng kaguluhan sa bansa, makalipas ang isang dekada ng pansamantalang demokrasya.

Nakulong ang Myanmar sa isang digmaang sibil bunsod ng pagpapatalsik ng militar sa nahalal na civilian government ng Nobel Peace Prize winner na si Aung San Suu Kyi.

Plano ng junta na magsagawa ng eleksiyon ngayong taon, na kinutya ng mga kritiko sa pagsasabing isa lamang iyong pagkukunwari upang papanatilihin sa kapangyarihan ang mga heneral sa pamamagitan ng mga proxy.

Nakasaad sa ulat ng state-run Myanmar Digital News sa kanilang Telegram channel kaugnay sa anunsiyo ng pagpapalawig sa emergency rule, “There are still more tasks to be done to hold the general election successfully. Especially for a free and fair election, stability and peace is still needed.’

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *