State of National Emegercy hindi na kailangang ideklara sa Metro Manila

Walang nakikitang basehan ang ilang lider ng Senado para magdeklara ng state of emergency sa Metro Manila.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Duterte na maaring magdeklara ng State of Emegency kapag lumala ang kaso ng kriminalidad gaya ng nangyaring pagpatay kay Ombudsman Special Prosecutor Madonna Joy Tanyag.

Pabor si Senate majority leader Juan Miguel Zubiri sa panukala ng Pangulo pero makabubuti aniya kung dadagdagan na lang ang presenya ng mga pulis sa mga lansangan para balaan ang mga kriminal.

Naniniwala si Zubiri kung gagawin sa Metro Manila ang ginawa sa Mindanao hindi ito lalabag sa karapatang pantao at hindi maabuso ang human rights.

Senador Zubiri:
“In the advent of social media, takot ang pulis at military na gumawa ng pag abuso. Kung ciriminal ka lagot ka. Tuloy tuloy lang no let up. And if we able to stop criminality kung meron sanang police car di papasukin ang mga establishment”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *