State-of-the-art na Crop Biotechnology Center sa Nueva Ecija, pinasinayaan
Binuksan na ang state-of-the-art na Crop Biotechnology Center sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa Muñoz, Nueva Ecija.
Ang pagpapasinaya sa pasilidad ay pinangunahan ng Department of Agriculture at US Embassy
Ayon sa US Embassy, pinondohan ng Php277 million o $5.4 million mula sa US Public Law 480 program ang center.
Ang naturang programa ay pinangangasiwaan ng US Department of Agriculture na naglalayong tulungan ang developing countries sa pagtugon sa food security concerns.
Sinabi ni Acting Agricultural Counselor Ryan Bedford na ang cutting-edge center ang magsisilbing hub para sa research and development ng Pilipinas sa mga critical areas sa agricultural biotechnology.
Aniya may top-notch equipment ang center gaya ng genome sequencers, genotyping equipment at high-throughput DNA extractors para matulungan ang mga Pinoy scientist na magawa ang kanilang trabaho.
Inihayag naman ni Agriculture Sec. William Dar na batay sa UN Food Systems Summit ang biotechnology at iba pang scientific innovations ay may papel upang makamit ang Sustainable Development Goal no. 2 sa Zero Hunger.
Sa video message ni Pangulong Rodrigo Duterte sa seremonya, sinabi nito na mapalalakas ng pasilidad ang research and development programs ng bansa sa agricultural biotechnology.
Moira Encina