Status ng mga casual at contractual employees sa gobyerno, aalamin ng Kamara para maging regular na empleyado
Ipinasisiyasat ni House Deputy Speaker at Batangas Congressman Ralph Recto sa Kamara ang estado ng mga casual at contractual na kawani sa gobyerno para mahanapan ng paraan at maging regular sa kanilang trabaho.
Dahil dito inihain ni Congressman Recto ang House Resolution 177 na naglalayong alamin ang status ng lahat ng mga casual at contractual na naglilingkod sa gobyerno.
Sinabi ni Recto na mula sa 1.75 milyong kawani ng pamahalaan nasa 157,000 ay mga casual o contractual maliban sa 580,000 na job order employees.
Ayon kay Recto batay sa kasalukuyang patakaran sa lahat ng ahensiya ng gobyerno kahit maraming taon na sa serbisyo ang isang kawani ay hindi ma-regular sa trabaho dahil walang available na plantilla items.
Hiniling ni Recto na dapat magsagawa ng review ang Department of Budget and Management o DBM at iba pang ahenya ng pamahalaan ukol sa aprubadong staffing pattern gayundin sa manpower complement upang mahanapan ng plantilla position ang mga casual at contractual employees sa gobyerno.
Vic Somintac