Status report ukol sa single ticketing system, pinagpulungan

Courtesy: MMDA

Nagsagawa ng pagpupulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pangunguna ni Chairman Atty. Don Artes, kinatawan ng Land Transportation Office, Cosmic Technolohies Inc., RBS Software Solutions, at local government units, upang pag- usapan ang status report ukol sa Single Ticketing System.

Courtesy: MMDA

Ayon sa STS Go-Live Dates report, maayos na makikita ang database ng Single Ticketing System sa centralized digital enforcement system nito, real-time din ang record-keeping ng issued tickets, maayos na online payment ng mga drivers, at real-time connectivity para sa LTO verification.

Ipinakita rin ang top 10 na karaniwang STS violations pati ang kabuuang bilang ng tickets at violations summary ng mga motorista.

Courtesy: MMDA

Sumasailalim naman sa Enforcer Trainings, BETA Testing and Pilot Implementation, Administrative Training, IT Staff Training, at System Integration ang mga authorized personnel upang matiyak na sapat ang kaalaman sa pagpapatupad ng STS.

Napag-usapan din ang pagbibigay ng solusyon sa ilang isyu sa sim cards at paggamit ng digital handheld devices, na hawak ng ibang LGUs.

Courtesy: MMDA

Layunin ng pagpupulong na mas maging maayos at epektibo ang pagpapatupad ng Single Ticketing System sa buong Metro Manila.

Archie Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *