Stephen Curry gumawa ng record sa NBA All-Star Game; Team LeBron wagi
Pinangunahan ng Golden State Warriors star guard na si Stephen Curry ang Team LeBron, kung saan gumawa ito ng 50 points at humataw ng All-Star Game record na 16 na three-point shots para magwagi laban sa Team Durant sa score na 163-160.
Binasag ni Curry ang dating All-Star record na siyam na 3-pointers nanaitala Paul George noong 2016, nguni’t nabigo ang NBA all-time three-point king na wasakin ang scoring record na 52 points ni Anthony Davis na naitala noong 2017, subali’t siya pa rin ang nahirang na Most Valuable Player ng All-Star Game.
Si LeBron James naman ng Los Angeles ang nagsara sa panalo ng team matapos maibuslo ang game-ending shot.
Nag-ambag din si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ng 30 points at 12 rebounds para sa Team LeBron, habang si James ay may 24 points sa kanyang ika-18 All-Star Game, para madikitan ang 19th All-Star record appearance ni Kareem Abdul-Jabbar.
Samantala, gumawa si Joel Embid ng Philadelphia 76ers ng 36 points at 10 rebounds, habang umiskor naman ng 20 points si Devin Booker ng Phoenix Suns para sa Team Durant.
Sina Antetokounmpo, James at DeMar DeRozan ng Chicago Bulls ang humataw para sa 161-155 bentaha ng Team LeBron, habang ang Bulls guard na si Zach LaVine ang trumabaho para sa Team Durant para sa 160-161 dikit na agwat.
Isinara ni James ang panalo ng Team LeBron maibuslo nito ang isang 17-foot fadeaway jumper.