Sto.Tomas, Pangasinan, magsasagawa ng measles, rubella at oral polio vaccine supplemental immunization campaign
Muling magsasagawa ng kampanya para sa bakuna laban sa measles, rubella at oral polio, ang bayan ng Sto. Tomas sa lalawigan ng Pangasinan sa darating na Linggo (Oktubre 23) hanggang Nobyembre 25 ngayong taon.
Ang programang ito ng Department of Health (DOH), ay suportado ng rural health unit (RHU) at ng local government unit (LGU) ng bayan ng Sto. Tomas.
Sa naturang vaccination campaign, ang mga batang may edad 0 hanggang apat na taong gulang mula sa lahat ng barangay na sakop ng bayan ng Sto. Tomas, ay bibigyan ng bakuna.
Ang mga batang dati nang nabakunahan ng anti-polio vaccine noon ay maaari pa ring bakunahan.
Sinabi ni Jill Coloma, public health nurse II ng RHU-Sto. Tomas, Pangasinan, na ang programang ito ng DOH ay isinasagawa kada tatlong taon.
Layon ng programa na mabigyan ng kaukulang bakuna ang lahat ng mga bata, upang maligtas sa mga sakit partikular na sa polio at tigdas.
Raff Marquez