Stomach Flu, karaniwang nararanasan kapag malamig ang panahon, ayon sa mga eksperto
Pinabababa ng malamig na panahon ang resistensya ng ating katawan.
Kaya naman may mga kababayan tayong nararanasan ang tinatawag na Stomach Flu.
Ang stomach flu o mas kilala bilang Gastro-enteritis ay isang iritasyon sa tiyan at bituka dahil sa impeskyong sanhi ng mikrobyo,
Ayon sa mga eksperto, ang karaniwang nararanasan ng pasyenteng dinapuan ng stomach flu ay pagdudumi, pagsusuka, pamumulikat at sakit ng tiyan.
Ilan sa mga lunas na maaaring gawin kapag naranasan ang mga nabanggit ay Oral Rehydration solution o ORS.
Sa isang basong tubig, maglagay ng dalawang kutsaritang asukal at kalahating kutsarang asin, paghaluin ito at inumin.
Mainam din umano na magbigay ng Brat Diet o ang saging, rice, apple at tea.
Ang saging kasi ay may taglay na potassium habang ang Chamomile tea naman ay nakakarelax ng pakiramdam.
Payo pa ng mga eksperto, tiyakin na makapagpahinga ng mabuti ang maysakit.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===