Storage facilities na pag-iimbakan ng anti-Covid-19 vaccine, inihahanda na ng Gobyerno
Nakikipag-ugnayan na sa mga malalaking Pharmaceutical Laboratories sa bansa si National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez.
Sinabi ni Galvez na bahagi ng master plan sa National Vaccination program ng pamahalaan ang tamang pag-iimbak ng mga aangkating anti-COVID 19 vaccine.
Ayon kay Galvez, mangangailangan ang pamahalaan ng mga cold storage facilities na pag-iimbakan ng mga bakuna laban sa COVID 19 para maingatan na hindi masira at mapanatiling epektibo.
Inihayag ni Galvez nasa final stage na ang mga negosasyon ng pamahalaang Pilipinas sa mga manufacturer ng anti COVID 19 vaccine at inaasahang bago matapos ang buwang kasalukuyan ay maisasara na lahat ng kasunduan.
Niliwanag ni Galvez na target ng pamahalaan na makabili ng 148 milyong doses ng anti COVID 19 vaccine para sa 70 milyong Filipino na babakunahan ngayong taon.
Vic Somintac