Storm surge ibinabala ng Taiwan mula sa malakas na Bagyong Krathon
Pinakilos na ng Taiwan ang halos 40,000 mga sundalo upang palakasin ang rescue effrots, habang ang papalapit na malakas na Bagyong Krathon sa mataong southwest coast, ay inaasahang magdadala ng isang storm surge at nagkukumahog na rin ang coast guard na malaman ang kinaroroonan ng 19 na sailors na iniwan ang kanilang barko.
Ang Taiwan ay regular na tinatamaan ng mga bagyo, ngunit sa pangkalahatan ay tumatama ang mga ito sa mga bulubundukin at sa silangang baybayin na nakaharap sa Pasipiko, subalit ang nasabing bagyo ay magla-landfall sa patag na western plain ng isla.
Ayon sa Central Weather Administration (CWA), “Krathon is forecast to hit the major port city of Kaohsiung on Wednesday morning, then work its way across the centre of Taiwan heading northeast and cross out into the East China Sea.”
Ang Kaohsiung, tahanan ng may 2.7 milyong katao, ay nagdeklara ng holiday at inabisuhan ang mga tao na manatili sa bahay, habang si Krathon na ibinilang na isang super typhoon ng Joint Typhoon Warning Center ng U.S. Navy, ay papalapit.
Sinabi ni Li Meng-hsiang, isang forecaster para sa CWA, “The storm has reached its maximum intensity and could weaken slightly as it moves closer to Taiwan, with gusts of more than 150 kph (93 mph) for the southwest.”
Dagdag pa niya, “The storm surge might bring tides inland. If it’s raining heavily it will make it difficult to discharge waters and as a result coastal areas will be subject to flooding.”
Sa isang disaster management meeting ay sinabi ni Kaohsiung Mayor Chen Chi-mai, “The storm was ‘no less powerful’ than 1977’s Typhoon Thelma which killed 37 people and devastated the city. Residents must not go to the coast, mountains or near rivers and avoid going outside unless necessary.”
Ayon naman sa defence ministry ng Taiwan, inilagay na nito sa standby ang mahigit sa 38,000 mga sundalo, habang nagsasagawa na rin ng sarili nilang paghahanda ang mga residente ng Kaohsiung.
Sinabi naman ng TSMC, ang pinakamalaking contract chip maker sa mundo at isang major supplier sa Apple at Nvidia na may malaking pabrika sa katabing Tainan, na in-activate na nila ang kanilang routine typhoon preparations pero hindi nila inaasahan na magkakaroon ng malaking impact ang bagyo sa kanilang mga operasyon.
Sa southeast coast, nagdispatch ang Taiwan coast guard ng isang bangka upang iligtas ang 19 na mandaragat mula sa cargo vessel na Blue Lagoon, na napilitang lisanin ang kanilang barko matapos na pasukin ng tubig ang engine room nito, habang isang rescue helicopter ang napilitang bumalik dahil sa hangin at ulan.
Sinabi ng coast guard na ang crew ay binubuo ng pitong Ukrainians, siyam na Egyptians at tatlong Russians, na pumalaot mula sa Caofeidian port ng China at patungo sana sa Singapore.
Ayon sa transport ministry, 85 domestic flights at siyam na international flights ang kinansela na para bukas, Miyerkoles.
Samantala, isinara na rin ang rail line na nag-uugnay sa southern hanggang eastern Taiwan, habang normal naman ang operasyon ng north-south high speed line ngunit pinaigting ang kanilang safety checks para sa hangin at debris.
Sa Kaohsiung, karamihan ng mga tindahan at restaurants ay nagsara na rin pati na ang traditional wet markets kaya ang mga kalsada ay halos wala na ring tao.
Sa isang gusali sa Siaogang district, tahanan ng paliparan sa siyudad, nagsanay ang mga residente kung paano mabilisang makapaglalagay ng metal barriers para pigilan ang tubig baha na makapasok sa kanilang underground parking lot.
Sinabi ni Chiu Yun-ping, ang deputy head ng residents committee ng gusali, “We will have only a few minutes to react if the flooding is coming.”
Ayon naman kay Chen Mei-ling, na nakatira malapit sa harbour, “In past typhoons high tides reached just a few metres (feet) from my house’s main door and I had made preparations. We’ve got torches and emergency food supplies. It’s a strong typhoon and we are worried.”