Strategy sa kampanya laban sa droga dapat ng baguhin ng gobyerno
Napapanahon na para baguhin ng Pilipinas ang estratehiya nito para labanan ang operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, dapat ikunsidera ng gobyerno ang pahayag ng apatnaput limang mga bansa na nagsabing mali ang paraan ng Pilipnas sa pagsugpo sa krimen dulot ng illegal drugs.
Una nang sinabi ng 45 na mga bansa sa deliberasyon ng United Nations Human Rights Council sa Switzerland na dapat umaksyon ang Pilipinas at wakasan na ang mga kaso ng extra judicial killings.
Mahalaga rin aniya na pairalin ang disiplina sa mga pulis at iba pang law enforcement group na nagpapatupad ng kampanya ng gobyerno.
Sinabi rin ni Senador Francis Pangilinan, kailangan nang baguhin ang estratehiya sa war on drugs dahil baka nagagamit na ito para makapanamantala ang ilang tiwaling pulis.
Ulat ni: Mean Corvera