Street at market vendors, hinimok ni Sen. Bong Go na magpabakuna laban sa COVID-19
Patuloy na hinihikayat ni Sen. Bong Go ang publiko lalo na ang mga nasa kalsada ang hanapbuhay na magpabakuna na kontra COVID-19 para na rin sa kanilang proteksyon.
Ang panawagan ay ginawa ni Go kasabay ng pagpapadala ng tulong para sa mga market vendor, tricycle drivers at indigent families sa San Antonio, Zambales.
Namigay rin ng mga bagong sapatos, bisikleta at tablet sa ilang piling indibidwal.
Nag-alok rin si Go, Chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ng karagdagang ayuda sa mga nangangailangan ng atensyong medikal.
Para sa mga nangangailangan ng tulong, pwede aniyang magtungo sa mga Malasakit Center na kalat na sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Maliban sa bakuna, paalala ni Go, mahalaga ang pagsunod sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, palaging paghuhugas ng kamay, pagsunod sa physical distancing at pananatili sa loob ng bahay kung wala namang mahalagang gagawin sa labas.
Madelyn Moratillo