Structural reform sa Philhealth, ipinauubaya ng Malakanyang sa Kongreso
Bahala na ang mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso na amyendahan ang charter ng Philippine Health Insurance Corporation para magkaroon ng structural reform sa ahensya.
Sinabi ni Presidential spokesperson Secretary Harry Roque, suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang reporma na ipatutupad sa Philhealth para mawala ang korapsyon.
Ayon kay Roque, Kongreso din ang magpapatibay ng panukalang tanggalin sa Health Secretary at ilipat sa Finance Secretary ang chairmanship ng Philhealth.
Inihayag ni Roque na inatasan din ni Pangulong Duterte si bagong Philhealth President at Chief Executive Officer Dante Guirran na linisin ang ahensiya sa anumang uri ng katiwalian hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.
Vic Somintac