Student leaders at iba pang non government agencies, namahagi ng tulong sa Isabela
Isang grupo ng student leaders katuwang ang isang tutorial center sa Tumauini, Isabela ang namahagi ng relief assistance sa Sito Andresa na isang liblib na lugar at katabi ng Cagayan River, na matatagpuan sa Baragay Fugu Abajo.
Ang Tumauini ay isa sa mga lugar sa Isabela na nasalanta dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Kabilang din sa mga nagbigay ng tulong sa lugar ay ang pamilya Vaquilar na nagmula pa sa Ilagan city.
Kasama rin sa ipinamahagi bukod sa relief assistance, ang face masks at face shields.
Isa sa nabiyayaan ng tulong ay si Romeo Patrono, na limang taon nang hindi nakalalakad dahil sa kaniyang diabetes.
Ang pagtulong na ginawa ng nabanggit na grupo, ay simbolo ng matibay na pagkakaisa ng mga mamamayan sa komunidad.
Ulat ni Ryan Flores