Subic Port itinuturo ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na pugad ng smuggling sa bansa
Ibinulgar ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na ang Subic Port ang pinagmumulan ng lahat ng smuggled goods na ipinapasok sa bansa.
Sinabi ni Salceda na tatalupan ng House Committe on Ways and Means ang mga tiwaling opisyal ng Subic Port na nakikipagsabwatan sa mga smuggling syndicate .
Ayon kay Salceda dahil sa hindi masawatang smuggling activities malaki ang nawawala sa pamahalaan dahil hindi nakokolekta ang tamang buwis.
Inihayag ni Salceda kabilang sa ipinupuslit na smuggled goods sa Subic Port ay Petroleum Products, asukal, bigas, sibuyas at iba pang agricultural products.
Nangako si Salceda na gagamitin ng Kongreso ang oversight power upang mawakasan na ang smuggling activities sa Subic Port.
Vic Somintac