Subsidy fund ng mga sektor na apektado ng oil price hike, dinagdagan pa
Itinaas pa ng gobyerno sa 6.1 billion pesos ang pondo para sa subsidiya ng mga drivers at operators ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay NEDA Secretary Karl Chua, ito’y para bawasan ang impact ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Hanggang nitong June 1, aabot ba sa 180,000 na mga PUV drivers at operators ang nabigyan ng subsidy sa ilalim ng pantawid pasada program.
Sinabi ni Chua na magbibigay naman ang gobyerno ng 3000 pesos na fuel discount sa may 158,000 na mga magsasaka at mangingisda.
Samantala pinalawig aniya ang validity ng EO 134 at 135 na nagpapababa sa buwis ng mga inaangkat na baboy at bigas para maging stable ang presyo sa merkado.
Meanne Corvera