Subsidy para sa mga GOCC’s, ipinalilipat sa pondong pantugon sa mga naapektuhan ng kalamidad
Inirerekomenda ni Senador Sherwin Gatchalian na ilipat sa Calamity response ang mahigit 200 milyong pisong subsidy para sa mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) sa ilalim ng panukalang 2021 National Budget.
Ayon kay Gatchalian, sa kaniyang pagsusuri, maraming pondo ang natitira sa mga GOCC’s at idinedeklarang dibidendo.
Iginiit ng Senador na sa halip na bigyan sila ng subsidy, dapat ibigay na lamang ito sa mga ahensyang tumutugon sa kalamidad.
Malaking hamon aniya ngayon ang Calamity response lalo na sa mga lugar na matinding hinagupit ng mga bagyong Rolly at Ulysses.
Bukod sa pagkain ng mga residente, kailangan aniya silang tulungan na makabangon matapos mawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa bagyo.
Meanne Corvera