Substitution ng mga kandidato nais ipagbawal
Nais ng mga Senador na tuluyan nang alisin ang probisyon sa Omnibus Election code para sa substitution ng mga tumatakbo sa eleksyon.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson ang dapat payagan lang sa substitution ay kapag namatay ang mga kandidatong nakapaghain ng kanilang ng Certificate of Candidacy o kaya’y hindi na nito kayang gampanan ang tungkulin.
Dapat itigil na ang paghahain ng COC ng isang indibidwal kung wala naman talaga itong intensyong sumabak sa halalan at mangampanya.
Pabor sa panukala si Senate President Vicente Sotto III at iginiit na naabuso lang ang batas.
Aminado ang Senador na inaabuso ito ng ilang partido sa pamamagitan ng paghahain ng mga pekeng kandidato para lituhin ang publiko.
Meanne Corvera