Sulfur Dioxide na ibinubuga ng Taal Volcano, nabawasan sa nakalipas na 2 araw
Patuloy pa ang paghina ng pagbuga ng abo ng Bulkang Taal sa nakalipas na dalawang araw.
Katunayan sa briefing kanina ng Phivolcs, sinabi ni Ma. Antonia Bornias ng Phivolcs na nabawasan na ng ibinubugang sulfur dioxide ng Bulkan na umabot na lang sa 50 hanggang 500 meters sa nakalipas na 24 oras o 153 tonnes per day.
Nabawasan na rin ang Volcanic earthquake na naitala lamang sa walong mahihinang pagyanig hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga.
Kahapon aniya malakas ang hangin sa Batangas kaya nilipad ang maraming abo sa partikular na sa Pulo pero hindi ito mula sa Bulkan kundi sa mga naimbak sa unang mga pagsabog.
Sa kabila ng paghina ng pagbuga ng abo at Sulfur Dioxide, hindi pa rin inirerekomenda ng Phivolcs na pumasok sa 14 kilometers danger zone.
Nagsagawa pa rin aniya sila ng masusing pag-aaral dahil hindi porket bumaba ang Sulfur Dioxide ay hindi na mangyayari ang pinangangambahang major eruption.
Maaari kasi aniyang nabarahan lang ang bunganga ng Bulkan at maaaring tumigas lang ang Magma.
Pagtiyak ng Phivolcs kung magpapatuloy ang ganitong trend ng Bulkan, makikipag-dayalogo sila sa mga Local Government units para ipaalam kung maaari nang bumalik ang mga residente na nasa paligid ng Bulkang Taal.
Ulat ni Meanne Corvera