Sultan Kudarat, niyanig ng 4.9 magnitude na lindol
Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Sultan Kudarat, kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS , pasado alas-11:00 naitala ang sentro ng lindol sa layong limampung (50) kilometro sa Timog Kanluran ng Bayan ng Palimbang.
Dagdag ng PHIVOLCS tectonic in origin ang lindol na may lalim na mahigit limang daang (500) Kilometro.
Wala namang naitalang pinsala o mga aftershock sa naturang pagyanig.
Please follow and like us: