Sulu, isinailalim sa lockdown kasunod ng pagtaas ng kaso ng Covid-19
Isinailalim sa total lockdown ang lalawigan ng Sulu matapos makapagtala ng panibagong siyam na kaso ng Covid-19.
Sa kabuuan, umaabot na sa 39 ang kaso ng Covid-19 sa lalawigan.
Sa pamamagitan ng Executive Order no. 17-2020, ipinag-utos ni Sulu Governor Abdusakur Tan na simula October 16, hanggang October 31 ang pagpapatupad ng lockdown.
Kanselado ang pagpapapasok sa mga Locally stranded individuals (LSI), mga Returning OFW at mga turista sa Sulu.
Pero ito ay maliban sa mga kagawad ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na babalik sa kanilang mga destino sa isla.
Sila rin ang maghahatid ng mga pagkain sa mga residente habang nasa ilalim ng lockdown.
Para naman sa mga lalabas ng Sulu, tanging ang mga emergency cases lamang at mga frontliners na may kaukulang dokumento na pupunta sa zamboanga city for medical attention ang papayagan ng local Inter-Agency Task Force.
Namamalagi rin ang “No Angkas policy” sa lahat ng mga motorsiklo na umiikot sa buong probinsiya.
Ely Dumaboc