Sundalong Amerikano na tumakas patungong North Korea, malaya na matapos mahatulan
Sinabi ng abogado ni U.S. Army Private Travis King, na noong nakaraang taon ay tumakbo sa North Korea at nakulong doon, na ito ay hinatulan nitong Biyernes ng isang taong pagkakakulong, pagkatapos ay pinalaya batay sa panahong naipagsilbi na niya.
Umamin ito na nagkasala sa limang charges laban sa kaniya, at ang pagpapataw sa kaniya ng hatol ay nangyari sa Fort Bliss sa Texas.
Kinasuhan ng U.S. Army si King ng mga krimen kabilang ang desertion para sa pagtakbo sa North Korea noong Hulyo 2023, pag-atake laban sa mga kapwa sundalo at pangangalap ng child pornography.
Kinasuhan siya ng Army ng 14 offenses sa ilalim ng Uniform Code of Military Justice, pagkatapos niyang palayain mula sa kustodiya ng North Korean noong Setyembre 2023 kasunod ng behind-the-scenes na negosasyon. Kumilos naman ang gobyerno para ibasura ang nine offenses ni King matapos siyang umamin ng guilty sa limang kaso.
Ayon sa abogado ni King, “With time already served and credit for good behavior, Travis is now free and will return home.”
Si King ay naging bahagi ng Army noong January 2021. Naditini siya sa South Korea dahil sa assault allegations na kaniya namang inamin.
Pauwi na ito noong isang taon nang tumakas mula sa international airport sa Seoul at nakapasok sa border area sa pagitan ng North at South Korea sa pamamagitan ng isang civilian tour.
Pagkatapos ay tumakbo si King sa hangganan patungo sa North Korea. Agad naman siyang isinailalim ng North Korea sa kanilang kustodiya.