Sunog sa apartment sa Hanoi, dose-dosena ang namatay
Dose-dosena ang namatay sa isang apartment block sa Hanoi, kapitolyo ng Vietnam.
Ayon sa mga saksi, nagsimula ang sunog bago maghatinggabi nitong Martes, sa parking floor ng sampung palapag na gusali, na puno ng mga motorsiklo.
Nasa 70 katao ang nailigtas ng mga awtoridad at 54 naman ang itinakbo sa pagamutan, kabilang na ang dose-dosenang patay, ayon sa opisyal na Vietnam News Agency.
Batay sa report ng isang online state newspaper, kabilang sa mga nasawi ay tatlong bata.
Kuwento ng isang babae, na nakilala lamang sa pangalang Hoa at nakatira malapit sa apartment, “I heard a lot of shouts for help. We could not help them much. The apartment is so closed with no escape route, impossible for the victims to get out.”
Ang apoy ay naapula na nitong umaga ng Miyerkoles, habang nahirapan naman ang rescuers na mapuntahan ang gusali na nasa isang makipot na eskinita sa isang residential area sa timog-kanluran ng Hanoi.
Ang maliliit na balcony ng gusali ay napaliligiran ng rehas na bakal, at ang apartment ay mayroon lamang iisang labasan at wala ring emergency ladder sa labas.
Sinabi ng mga awtoridad, na humigit-kumulang 150 katao ang naninirahan sa nasunog na apartment.
Sinabi ng isa pang saksi, “I was about to sleep when I smelled something. I went outside and saw the fire. The smoke was everywhere. There was a little boy thrown from a high floor, I don’t know whether he survived or not although people used a mattress to catch him.”
Ayon sa state media, nitong Miyerkoles ng umaga ay binisita ni deputy prime minister, Tran Luu Quang, ang pinangyarihan ng sunog.