Sunog sa Manila Pavilion Hotel and Casino , paiimbestigahan ng DOJ sa NBI
Pina-iimbestigahan ng DOJ sa NBI ang nangyaring sunog sa Manila Pavilion Hotel and Casino kung saan limang empleyado ang nasawi at mahigit dalawampu ang nasugatan.
Sa Department Order 160 na pirmado ni Justice secretary Vitaliano Aguirre II, inatasan din ang NBI na magsagawa ng case build-up laban sa mga mapapatunayang nagkulang kaya naganap ang sunog.
Partikular na pinapa-determina ng DOJ sa NBI kung mayroong administratibo, kriminal at sibil na pananagutan ang alinmang ahensya o tanggapan ng gobyerno.
Nais din ng DOJ na malaman ang pananagutang kriminal, administratibo at sibil ng mga may-ari, manager at kawani ng Manila Pavilion.
Sa oras na may makitang ebidensya ay iniutos ng DOJ sa NBI na sampahan ang mga ito ng mga kaukulang kaso.
Ulat ni Moira Encina