Super Blue blood Moon, inabangan ng buong mundo
Hindi pinalagpas ng buong mundo ang pagkakataon na masilayan ang pambihirang Super blue moon na naganap kagabi.
Sa Pilipinas pa lamang, dinagsa ng mga Pinoy ang iba’t-ibang mga observation centers para makita nang malapitan ang celestial event.
Kagabi ay nagtipon sa Pag-Asa Astronomical observatory sa University of the Philippines-Diliman ang mga nagnanais masilayan ang pambihirang Astronomical phenomenon.
Maging sa ilang mga parke gaya ng Rizal Park sa Maynila ay bumuhos ang mga pamilua na sabay-sabay sinaksihan ang buwan at ginawa itong opurtunidad para maka-bonding ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sa Albay, sumabay pa ang pagputok ng Bulkang Mayon sa Lunar event na kapwa nagpahanga at nagpasindak sa mga residente sa lugar.
Habang ang iba naman ay tumingala na lang sa labas ng kani-kanilang mga tahanan at sa kanilang mga opisina.
Sinamntala, rin ng iba nating mga kababayan ang pagkakataon upang kunan ng litrato ang buwan.
Gayundin sa ibang panig ng mundo na kung saan bumaha ng mga larawan ng super blue blood moon sa social media.
Sa katunayan, nag-trending pa sa twitter ang #superbluemoon kung saan pumalo sa ilang libo ang nag-twwet ng nasabing hashtag.
=== end ===