Super Typhoon Carina , napanatili ang lakas
Napanatili ng Super Typhoon Carina ang lakas nito na inaasahang maglalandfall sa Northern Taiwan.
Kaninang 5p.m ayon sa PAGASA huling namataan ang sentro ng Carina sa layong 380 kilometers sa Hilaga ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pahilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour .
Nakataas sa Signal No. 2 ang batanes habang nasa ilalim naman ng Signal No. 1 ang
- Babuyan Islands
- Northern portion of mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Santa Ana, Gonzaga)
- Northern portion of Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Adams)
Please follow and like us: