Bagyong Leon, humina na bilang typhoon
Humina na bilang typhoon ang bagyong Leon habang tumatawid sa Orchid Islands sa Southern Taiwan.
Huling namataan ang sentro ng Typhoon Leon sa 155 kilometers Hilaga ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers pero hour malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 215 km/h.
Nananatili sa Tropical Cyclone Wind Signal ang ilang lugar sa bansa.
Nasa TCWS No.3 ang Batanes habang nasa Signal no. 2 naman ang Babuyan Islands.
At nasa Signal no. 1 naman ang Mainland Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Northern portion ng Benguet (Mankayan, Bakun, Buguias), Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Sa susunod na 48 oras, mataas pa rin ang panganib ng storm surge na posibleng umabot sa 3.0 meters ang taas sa mga low-lying at exposed coastal localities ng Batanes at Babuyan Islands.
TL