Suplay ng harina sa bansa, sapat– PAFMIL
Tiniyak ng Philippine Association of Flour Millers, Inc. (PAFMIL) na sapat ang suplay ng harina sa bansa.
Ayon kay Ric Pinca, Executive Director ng Philippine Association of Flour Millers, Inc., ang lahat ng 23 flour mills sa bansa ay nakapagpo-produce ng sapat na suplay ng harina.
Pero, nilinaw ni Pinca na mataas ang presyo ng harina ngayon bunsod ng tumataas na global wheat prices.
Ito ay dulot naman ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia, Western trade sanctions, at ang tagtuyot sa mga wheat producing countries gaya ng India, France, Australia, at US.
Paliwanag pa ni Pinca, ang lahat ng wheat needs ng mga flour mills ay 100% inaangkat ng Pilipinas.
Moira Encina