Suplay ng kuryente sa Samar at Panay provinces naibalik na – NGCP
100% nang naibalik ang suplay ng kuryente sa Samar at Panay provinces.
Batay sa pinakahuling transmission update ng National Grid Corporation, 92% namang naibalik ang suplay ng kuryente sa Negros island , 89% sa Leyte at 69% sa Cebu.
Patuloy namang sinisikap ng NGCP na marestore ang kuryente sa Bohol na ngayon ay nasa 22% palang ang naibabalik dahil bagsak ang halos lahat ng linyang dinadaanan ng kuryente dulot ng nangdaang bagyong Odette.
Nagpapatuloy ang repair works sa Ubay-Trinidad- Carmen 69kV transmission line at ang pagkukumpuni sa dalawang 138kV lines sa Bohol .
Sinisikap ding maibalik ang supply sa apat na 138kV lines sa Cebu para magkaroon ng steady supply ng kuryente.
Nakapagrestore na ang NGCP ng 765 mula sa 917 na na-damage na mga poste ng transmission at naibalik na ang 88 sa 95 na naapektuhang transmission lines.
Nagpaalala ang NGCP na nasa poder pa rin ng mga Local Electric Cooperatives ang pagbabalik sa normal ng kuryente dahil kailangan ding maibalik ang mga nagtumbahang poste ng mga power distributors bago dumating ang kuryente sa mga kabahayan.
Gen Subardiaga