Supply ng bakuna pangunahing problema ng bansa para mapabilis ang mass vaccination program kontra Delta variant ng COVID-19 – PRRD
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na ang kakulangan sa supply ng anti COVID 19 vaccine ang pangunahing problema na kinakaharap ng bansa kaya hindi mabilisan ang pagsasagawa ng mass vaccination program ng pamahalaan lalo na at nakapasok na ang kinatatakutang Delta variant.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang regular weekly Talk to the People gustuhin man ng gobeyerno na pagsabaysabayin na ang pagbabakuna sa ibat-ibang panig ng bansa para hindi maunahan ng pagkalat ng Delta variant ng COVID -19 hindi pa sapat ang supply ng bakuna na dumarating sa bansa.
Ayon sa Pangulo dahil sa kakulangan ng supply ng bakuna inuuna muna ng pamahalaan ang mga lugar na itinuturing na hotspot tulad sa National Capital Region o NCR upang makontrol ang pagkalat pa ng pandemya ng COVID-19.
Inihayag ng Pangulo hindi kakalimutan ng gobyerno ang lahat ng dako ng kapuluan na may kaso ng COVID-19 upang mabakunahan ang kailangan lamang ay ibayong pag-iingat habang hinihintay ang pagdating ng mga binibiling bakuna.
Vic Somintac