Suppy agreement para sa Covid-19 vaccine, posibleng malagdaan na bago matapos ang Pebrero
Maaaring malagdaan na bago matapos ang Pebrero ang Supply Agreement para sa procurement ng Covid-19 vaccines.
Sa Deliberasyon sa Senado sa Senate Bill 2057 o Vaccination program ng gobyerno, kinuwestyon ni Senate Minority leader Franklin Drilon kung nalagdaan na ang supply agreement.
Ang Supply agreement ang magiging katibayan na sigurado na ang pagdating ng bakuna sa bansa.
Pero sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Finance Committee, batay sa konsultasyon niya sa Inter-Agency Task Force (IATF), isinasapinal na lamang ang ilang detalye ng kasunduan.
Kabilang na rito ang kontrata sa Sinovac, Novovax at Moderna.
Sa kasalukuyan, may term sheet na aniya para sa 50,000 doses ng Sinovac habang inaayos na ang mga dokumento para sa 600,000 doses ng donasyong bakuna ng China na target ibigay sa mga sundalo at pulis.
Meanne Corvera