Supreme Court First Division ibinasura ang petisyon ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na payagan siyang makapagpiyansa
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na payagan siyang makapagpiyansa para sa kaso ng Maguindanao massacre case dahil sa kawalan ng merito.
Sa anim na pahinang resolusyon ng Supreme Court first division, pinagtibay nito ang desisyon ng Court of Appeals na pumapabor sa ruling ng Quezon City RTC na huwag payagan si Ampatuan na makapaglagak ng piyansa dahil sa malakas ang ebidensya ng prosekusyon na maaring guilty ito sa krimen.
Ayon sa Korte Suprema, nabigo ang petitioner na patunayang may reversible error sa desisyon ng Court of Appeals.
Paliwanag pa ng SC, mas mainam na matalakay sa isang full blown trial ang mga argumento na inilahad ni ampatuan dahil ang mga ito ay factual issue.
Tinukoy pa ng SC na magiging premature kung magpapasya ito nang lagpas sa itinatakda ng judicial review at maaring mapangunahan nila ang mga partido sa pagpiprisinta ng ebidensya sa paglilitis sa kaso.
Ulat ni Moira Encina