Supreme Court Justice Teresita de Castro, ini-nominate sa posisyon ng Ombudsman ni Justice Arturo Brion

Inirekomenda sa posisyon ng Ombudsman si Supreme Court Associate Justice Teresita de Castro kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nakatakdang magretiro sa darating na Hulyo.

Ang nominasyon kay De Castro ay ginawa ng kapwa niya mahistrado sa Korte Suprema na si Justice Arturo Brion.

Sa dalawang-pahinang sulat ni Brion sa Judicial and Bar Council na may petsang May 3, 2018,  idinetalye ang mahigit apatnapung taon ni De Castro sa government service at pagakyat nito sa ranngo mula nang maging law clerk ito noong 1973 sa Office of the Clerk of Court ng Korte Suprema hanggang sa ito ay maitalaga bilang mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman noong 2007.

Tinukoy pa nito ang ibat-ibang parangal na iginawad kay De Castro at ang mga mataas na posisyon na hinawakan nito partikular ang pagiging presidente ng Philippine Women Judges Association at International Women Judges Association.

Ayon kay Brion, sa loob ng apatnaput-limang taon   ni De Castro sa pamahalaan ipinakita nito ang kanyang katapatan, integridad at kakayanan.

Kumbinsido si Brion na fully qualified si De Castro sa posisyon ng Ombudsman bunsod na rin ng halos labing-siyam na taon nito sa prosecutorial service, sampung taon sa Sandiganbayan at mahigit isang dekada sa Supreme Court.

Umaasa si Brion na ikukonsidera ng JBC si De Castro para maging isa sa mga nominado nito sa pagiging Ombudsman.

Si De Castro ay magreretiro sa Supreme Court sa darating na Oktubre.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *